Positive sa magiging pagtanggap sa kanilang serye: Direk MAC, aware na sikat ang tambalang JEROME at HEAVEN
- Published on August 31, 2025
- by @peoplesbalita

“Ang galing-galing ng Viva.
“Without a network and just using their own infrastructure and the app, they were able to create this fandom, a very, very interesting fandom with a varied menu of artists.
“Ang husay-husay ng Viva.”
Sa tanong kung kinakabahan siya sa magiging reception ng publiko sa kanilang serye na eere na simula sa ika-6 ng Setyembre.
“Magagaling silang mga artista. Bilang isang beterano sa industriya, hindi lang ito labanan ng pasikatan kundi labanan ng patagalan.
“At tatagal ka kung mahusay ka. So malinaw sa utak ko na ang show na ito na kinabibilangan nila ay magsisilbing isang malaking pundasyon.
“Tungkol ito sa pundasyon ng papaano sila magiging mas mahusay pa para mas tumagal sila at mas maraming magawa na makabuluhang proyekto.
“Ang tamang emosyon na naramdaman ko ay excitement. Simply because lahat kami naniniwala sa materyal at alam namin na may mga inambag kami para mas lalong ma-enhance yung original material on print form.
“So, excited kaming makita ng mga tao kung papaano namin ito na-translate onscreen.“
Period series ang ‘I Love You Since 1982’ kaya hitik ito sa malalalim na Tagalog at dayalog.
“We tried very hard to be as true to the original material so yung lengguwahe ng original material ay may lalim pero may accessibility.
“Ganoon ang ginamit namin, tapos yung being true to the original material doesn’t mean merely sticking to it.
“It means speaking to it and translating it into visual terms.
“So, ito ay ayon kung ano ang pananaw ng produksiyon kung papaano palalawigin ang original material ni Binibining Mia.
“Gusto kong sabihin na lahat kami storytellers and we take our responsibility as storytellers seriously.
“At para sa mga kaibigan ko sa press na nakasama ko sa journey ko bilang direktor, halos thirty four years na akong direktor, mahal na mahal ko ang propesyon ng pagkukuwento.
“At ang pagkukuwento namin ay isang tribute hindi lamang sa materyal, hindi lamang sa mga artista o sa pagka-Pilipino natin, kundi ito ay para sa lahat ng manonood saan mang sulok ng mundo sila naroroon, simply because ang kuwento ng I Love You Since 1892 ay tungkol sa pag-ibig.
“At bilang storyteller, yan ang pinakamasarap ikuwento sa lahat.”
***
MARAMI ang humanga sa content creator na si Boss Toyo dahil sa sunud-sunod na pagbibigay niya ng tulong sa mga biktima ng sunud-sunod na bagyo at pati na rin ang Habagat na nanalanta sa iba’t-ibang lugar sa sa bansa.
Ilan sa mga pinuntahan ni Boss Toyo ay ang mga lugar ng Bauang at San Fernando sa La Union pati na rin Mindoro kung saan nagpasaya siya ng lampas 500 na mga katao kabilang na ang mga katutubong Mangyan.
Bakit niya naisipan na mag-outreach at bakit ang mga naturang lugar ang naisipan niyang tulungan?
Lahad niya, “Okay, bakit ko naisipang mag-outreach? Actually it started nung medyo… meron na akong sobra, mga way back 2014 doon ako nagsimula ng pag-a-outreach at paggawa ng iba pang mga charity works like yung aking pang-eleven years na, yung Toys For A cause, iyon.
“So, ipinagpapatuloy ko lang siya dire-diretso lang, basta may sobra at may mga tao ka, tumutulong sa mga outreach programs ko at charity works patuloy ko siyang ginagawa at gagawin pa natin.
“Bakit sa Mindoro ulit? Pangalawang beses na namin ‘to, last month sa Mindoro rin.
“Kasi doon ko nakita yung mga binibigyan doon is naa-appreciate nila. Kahit ano’ng ibigay mo sobrang nakikita ko sa kanila yung pagtanggap at pagpapasalamat.
“Yung mga ngiti nila tsaka yung saya talagang makikita mo na very genuine at napakasarap talagang tulungan.
“Kumbaga para sa akin perfect talaga na sila yung matulungan at sila yung mabigyan ng biyaya at tulong.
“At maraming-marami pa po silang kailangan bukod doon sa aming mga binigay.”
(ROMMEL L. GONZALES)