• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis, naihimlay na sa Saint Mary Major Basilica

Isinagawa ang pribado at simpleng libing ni Pope Francis sa Saint Mary Major Basilica ngayong Abril 26, alinsunod sa kanyang kahilingan. Tinatayang 250,000 katao ang dumalo, kabilang ang mga religious at political leaders. Sa kanyang huling testamento, hiniling niya ang simpleng puntod na may inskripsyong ‘Franciscus’. Sa funeral mass, inalala siya bilang isang pastol na nag-alay ng sarili hanggang sa huli. Inaasahang bukas sa publiko ang puntod simula Abril 27.