Pondo sa Tokyo Olympics puwede pang itaas – PSC
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
PUWEDE pang itaas ng Philippine Sports Commission ang pondo ng Team Pilipinas para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inantras ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8 sakaling may madagdag pa sa 10 mga atleta.
Ipinahayag ito Miyerkoles ni Philippine Sports Commissiion Chairman William ‘Butch’ Ramirez pagkalipas na pumasa sa PSC board meeting nitong Martes ang isinumiteng ng Philippine Olympic Committee na P46.230M badyet para sa quadrennial sportsfest.
Gagastahin ang naturang halaga para sa international airfare, hotel and accommodation, allowances ng athletes at officials, COVID-19 testing, hotel quarantine expenses, insurance sa pandemic treatment, travel at repatriation ng national contingent. (REC)