• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PONDO PARA SA JO, INUBOS SA HALALAN 

HALOS lumobo sa mahigit isang bilyong pisong pondo ang para sa 1,500 job order workers ang ginugol ng pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panahon ng halalan 2025.
Ayon sa Transition Team ni incoming Manila Mayor Isko Moreno, mula December 2024 hanggang Marso 2025, sa pagsisimula ng kampanya sa mayoralty race sa Maynila ay umabot sa isa punto apat na bilyon pisong pondo ang ginugol sa job order workers ni outgoing Manila Mayor Honey Lacuna.
Ayon pa sa transition team, mula 2022, taun-taon ay tumataas ng 400 million pesos ang inuubos ng administration ni Lacuna sa mga job order workers ng lungsod.
Sa rekord ng transition team sa kabila ng nararanasang inflation ng lungsod dahil sa mga hindi nababayarang obligasyon, patuloy ang pagkuha ng mga trabahador ni Lacuna
Dagdag pa ng Transition Team ng incoming chief executive, ngayong 2025 tumaas ng P7.1 billion sa unpaid obligations ang Manila LGU, o pagtaas ng 40% kumpara sa nakalipas na taon dahil sa hindi tinupad na bayarin sa mga supplier ng Maynila.
 Bumaba rin ang taunang cash reserves ng Lungsod mula P16.3 billion noong 2020, bumagsak ito sa P7.3 billion ngayong May 2025, o pagdapang 55 percent. (Gene Adsuara)