Poll chief: Voter registration, ipagpapatuloy sa Oktubre
- Published on August 16, 2025
- by @peoplesbalita
MAKARAANGÂ pirmahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula December 1, 2025 sa Nobyembre 2026, pagpapatuloy naman ng Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre ang voters registration.Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ay isang magandang development para sa poll body dahil nagkakaliwanag na ang isyu sa pagdaraos ng halalan at magiging epektibo matapos ang 15-araw nang pagkalathala sa mga pahayagan o sa Official Gazette.
Gayunman, maaari pa rin aniya itong kuwestiyunin ng sinuman sa Korte Suprema.
Matatandaang plano ng Comelec na magdaos muli ng voter registration sa ikatlong linggo ng Oktubre hanggang sa Hulyo 2026 kung ipagpapaliban ang 2025 BSKE.
Kamakailan lamang ay nagtapos na ang 10-araw na voter registration na idinaos ng poll body mula Agosto 1 hanggang 10, kung kailan, halos 2.8 milyong botante ang nagparehistro.