• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Polish tennis star Swiatek nagkampeon sa Miami Open matapos talunin si Naomi Osaka

TINANGHAL  bilang kampeon ng Miami Open si Iga Swiatek ng Poland matapos talunin si Naomi Osaka.

 

 

Dahil sa panalo ay posibleng makuha nito ang number 1 spot sa world ranking matapos ang pagreretiro ni Ashleigh Barty.

 

 

Mula sa simula ng laro ay hindi na hinayaan ni Swiatek na makalamang pa sa score na 6-4, 6-0 para mapalawig ang kaniyang winning streak na 17 matches.

 

 

Nagbigay ito ng mensahe sa mga taga Ukraine at sinabing huwag dapat silang mawalan ng pag-asa.

 

 

Nagbulsa si Swiatek ng $1,231,245 na premyo habang si Osaka ay nagbulsa ng $646,110.