Pole dancing pormal ng kinilala bilang national sports
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Pormal ng kinilala bilang national sports ang pole dancing.
Kinumpirma ito ng actress na si Ciara Sotto bilang pangulo ng Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA) ang national association ng pole dancing na kinikilala ng International Pole Sports Federation at Philippine Olympic Committee.
Sinabi nito na umabot sa mahigit dalawang taon para makilala ang nasabing pole dancing bilang national sports.
Mula pa kasi noong 2010 ay aktibo na ang 40-anyos na si Ciara sa pole dancing kung saan naging instructor pa ito.
Sa darating na Oktubre 2021 ay gaganapin naman ang World Pole and Aerial Championships sa Lausanne, Switzerland.