• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POGO-like scam hubs, target ang mga Pinoy

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) laban sa lumalalang bilang na POGO-like scam hubs na patuloy na nagre-recruit at pananamantala sa mga Pinoy.

Ang scam hub na ito ay katulad sa illegal na POGO na pinipilit ang mga biktima sa online activities kabilang ang catphishing at investment scams.

 

“In 2024 alone, we intercepted 118 Filipinos linked to online scamming schemes. This year, we are seeing a more brazen approach, with traffickers constantly shifting their tactics,” ayon kay Viado.

 

Ang pagpapauwi sa 12 Filipino na biktima ng trafficking galing sa Myanmar na magpapatunay na laganap ang ganitong scam hubs.

 

Pinangakuan ang mga biktima ng trabaho pero nauwi sa online scammers at dumating pa ito sa physical abuse, mahabang oras ng trabaho na walang bayad at nauuwi pa ito sa electric shocks bilang kaparusahan  ang ni-rescue ng gobyerno.

 

“Our immigration officers remain on high alert, but we urge Filipinos to stay vigilant and verify job offers through legitimate government channels before traveling abroad,” he said. “The government is working tirelessly to protect you, but vigilance starts with you—be cautious and safeguard yourself from these scams,” ayon pa kay Viado. (Gene Adsuara)