• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:10 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POGO ban, gawing permanente sa pamamagitan ng absolute pogo ban law, PAGCOR charter overhaul

MATAPOS ipagbawal ni Pangulong Marcos ang POGO sa buong bansa ay hindi umano kumpleto ito dahil lumipat at nagkalat sila sa mga probinsiya o kaya ay naging mas maliit na operasyon o nagpalit ng taktika.

 

Ayon kay Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, ang kailangan ngayon ay isang batas na permanente at magpapalawig pa sa pagbabawal o ban ng POGO, pag-overhaul sa PAGCOR Charter, at pagpapatupad ng mas mahigpit na batas sa pagbibigay ng LGU permits.

 

Sinabi nito na ang inisyung Executive Order No. 74, series of 2024, ng pangulo ay madaling mabawi ng ibang pangulo kaya kailangan na magkaroon ng batas para sa absolute at permanent ban sa POGO.

 

Ang panukala para sa POGO ban ay nakapaloobsa HB 10987 habang ang panukala para sa pagbasura at pagpalit sa PAGCOR Charter ay nakapaloob naman sa HB 3559. (Vina de Guzman)