• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:36 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pogi’, kasabwat laglag sa P100K shabu sa Malabon

DALAWANG drug suspects, kabilang ang 55-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Martes ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Pogi, 49, construction worker at alyas Beng, 55, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGe. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na unang nakatanggap ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ng mga suspek.
Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa mga suspek ay ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila matapos bintahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-2:35 ng madaling araw sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya.
Ayon kay Col. Baybayan, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15.70 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P106, 760.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban sa kanilang matagumpay na drug operation. (Richard Mesa)