• February 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, pinahigpit seguridad bago Mahal na Araw, Ramadan

HINIHIGPITAN na ­ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa paggunita ng Mahal na Araw gayundin ang Ramadan.
Parehong ­magsisimula sa Miyerkules, Pebrero 18 ang Ash Wednesday, na Kuwaresma ng mga Katoliko at Ramadan na pag-aayuno naman ng mga Muslim.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., kailangan ang pagtitiyak ng ligtas na pagsamba at pagninilay sa panahong ito.
Inilunsad na ng PNP ang isang pambansang plano sa seguridad na nakatuon sa mga pa­ngunahing transport hub, mga lugar ng pagsamba, at mga tanyag na tourist destination.
Magtatatag din ang mga awtoridad ng 24/7 na police assistance desks malapit sa mga pangunahing ­cathedral at mosque para magbigay ng agarang tulong sa mga deboto.