PNP OIC Lt Gen. Eleazar na close contact ni PNP Chief Sinas, negatibo sa Covid-19 virus
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
Negatibo sa Covid-19 virus si PNP OIC PLt. Gen. Guillermo Eleazar, matapos sumailalim sa RT-PCR test.
Ayon kay Eleazar, bilang close contact ni PNP Chief PGen. Debold Sinas, na unang nag-positibo sa Covid 19, nagpasuri din siya kahapon at ngayong umaga lumabas ang resulta.
Huling nakasama ni Eleazar si PNP Chief noong Miyerkules, at bago iyon ay halos araw-araw niyang kasama, pero palagi silang naka-face mask at face shield.
Sinabi ni Eleazar, patunay lang ito na malaking tulong sa pag-iwas na mahawaan ang sakit ang palagiang pagsunod sa minimum health protocols. (Gene Adsuara)