PNP, itinanggi ang mga ulat na kinidnap ang hindi bababa sa 4 na high-profile businessmen
- Published on April 21, 2025
- by @peoplesbalita
Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na kinidnap ang hindi bababa sa apat na high-profile na negosyante.nnSinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nagagalit umano ang mga kilalang personalidad at negosyante kung bakit sila ay napapabalitang kinidnap.nnAyon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, walang katotohanan ang impormasyon at walang sapat na ebidensya. Tinutukoy na ng PNP ang mga pinagmulan ng maling impormasyon.nnNagpaalala rin ang PNP sa publiko na ang pagpapakalat ng fake news ay isang krimen na may legal na kaparusahan.nnSa mga nakaraang buwan, maraming kaso ng kidnapping ang naitala — ilan dito ay may kinalaman sa mga Chinese nationals bilang biktima.