• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:47 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP-HPG nagpakalat ng 840 pulis para sa ligtas na Holy Week

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorist, biyahero at bakasyunista ngayong Holy Week, nagpakalat na ng 840 mga pulis ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG) sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila. Ayon kay PNP-HPG spokesperson Lt. Dame Malang, ang mga pulis ay ikakalat din sa mga matataong lugar kabilang ang mga terminals at tourist spots dahil sa inaasahang dagsa ng mga biyahero, bakasyunista at turista. Napag-alaman na 117 pulis ang itatalaga sa 79 commercial areas, 226 sa 108 transportation hubs at terminals, 61 sa 53 simbahan, 105 sa 54 convergence areas, 252 personnel sa 91 pangunahing lansangan. Paalala ni Malang, tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga sasakyan upang maiwasan ang anumang aksidente. Binigyan diin naman ni PNP-HPG Director PBGen. Eleazar Pepito Matta, layon nilang maging ligtas sa lahat ang paggunita sa Semana Santa. “Our mission this Holy Week is clear — to provide maximum police visibility and immediate assistance to ensure a peaceful and safe observance for all. The HPG stands ready to guide, protect, and serve the public as they travel to their destinations,” ani Matta. Mananatiling bantay sa mga lansangan ang PNP-HPG para sa kaligtasan ng lahat.

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/motorista-pnp-hpg.webp