PNP, babaklasin na mukha, pangalan ng mga ‘epalitiko’
- Published on February 9, 2026
- by @peoplesbalita
HANDA na ang Philippine National Police (PNP) na baklasin ang mga mukha at pangalan ng mga government officials na nasa tarpaulin ng mga government-funded projects.
Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang kanilang aksiyon ay para protektahan ang integridad at tunay na layunin ng serbisyong publiko.
Ani Nartatez, ang mga proyektong ginawa mula sa pondo ng bayan ay dapat may integridad at hindi pinagmumukhang pagmamay-ari ng government officials.
Binigyan diin ni Nartatez na dapat lamang na pahalagahan ang buwis na ibinabayad ng taumbayan upang maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.
Nilinaw ni Nartatez na ito ay bahagi pa rin ng implementasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na Anti-Epal policy. Batay sa naging direktiba ni Nartatez, may awtoridad ang PNP na baklasin at tanggalin ang mga mukha ng mga ‘epalitiko’ at maaari namang maparusahan ang sinumang miyembro ng pulisya na lalabag sa rules and regulations
( Daris Jose)