PLt.Gen. Nartatez pormal ng naupo bilang PNP OIC chief; Torre balak bigyan ng gov’t post ni PBBM – Sec. Remulla
- Published on August 27, 2025
- by @peoplesbalita
Hindi naman dumalo sa turnover ceremony kahapon si dating PNP Chief General Nicolas Torre III na pinangunahan ni Sec. Jonvic Remulla.
Sa isang pulong balitaan, nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hindi nito inirekumenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-relieved sa pwesto si Gen. Torre.
Wala rin umano nilabag si Torre na batas, batay sa inihayag ni Senator Ping Lacson na dating pinuno din ng pambansang pulisya.
Ibinunyag din ni Remulla na kinukunsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bigyan ng pwesto sa gobyerno ang dating PNP chief.
Nilinaw din ng kalihim na walang bahid na pulitika ang pag-alis sa pwesto kay Torre.
Sinabi ng Kalihim, “Difficult and necessary” ang naging desisyon ng pangulo na alisin sa pwesto si Torre.
Sa ngayon, may dalawang opsiyon ang dating PNP Chief, ito ay mag-early retirement o manatili sa pwesto.
Habang ang 4 star rank ni General Torre ay tatalakayin ng Napolcom.
Batay sa batas iisa lang sa PNP ang may 4 star rank at ito ay ang pinuno ng pambansang pulisya. ( Daris Jose)