PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting
- Published on April 2, 2022
- by @peoplesbalita
PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpaalam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.
Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at pagtatapos ng kanyang anim na taong termino.
“Salamat, and it has been a very exhilarating atmosphere, joining with you in government. Salamat. Magkita-kita pa rin tayo,” sabi ni Duterte sa recorded meeting niya na inere kahapon.
“Yung cabinet, there may be the last meeting just to say hello and goodbye. Salamat po,” dagdag niya.
Nauna na rin sinabi ng Pangulo na naghahanda na siya sa pagbaba sa puwesto para madali ang transition ng susunod na Pangulo matapos ang eleksyon. (Daris Jose)