• February 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Plano nang ipatupad ngayong taon… DepEd target Trimester system sa school year 2026-2027

PLANO nang ipatupad ng Department of Education (DepEd) ang trimester system para sa susunod na pasukan ng klase o school year 2026-2027.Ayon sa isang pahayag, ang gagawing pagbabago ay isang “holistic approach” upang mabalanse ang pamamahala ng oras para sa mga mag-aaral na nagbibigay-daan para sa isang mas flexible na diskarte sa kalidad ng pagtuturo.“Itinutulak natin ito upang magkaroon ng mas mahahaba, tuluy-tuloy na panahon ng pagkatuto, mas maayos na pacing ng mga aralin, at mas mababang administrative burden para sa ating mga guro. Sa ganitong paraan, napapangalagaan natin ang kalidad ng edukasyon,” ani DepEd Secretary Sonny Angara.Sa trimester, ang 201 araw ay hahatiin sa tatlong termino: Hunyo hanggang Setyembre; Setyembre-Disyembre at Enero-Marso.May 54 hanggang 61 araw ng pagtuturo na may minor interruptions sa mga non-academic activities. (Daris Jose)