• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinuri ng netizens dahil mas sexy pa sa anak: SHARON, no comment sa tsikang nagkabalikan na sina KC at ALY

MAY kakaibang ningning si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang pinost sa Facebook na kung saan naka-gold gown siya para sa isang show.
Pinuri nga ng netizens si Sharon lalo na ang kanyang sexy figure, na mukhang na-maintain na niya ang ini-aim na weight.
Comment ng netizens…
“Grabe ang sexy na talaga ni Sharon Cuneta!
“Talbog si KC sa Mudra nya. At her age, na achieve nya ang body goals.
“She looks good and fresh.
“Pa-meryl streep na sya sa 1st photo.
“Her skin has always been nice. Kutis mayaman.
“Kudos to Mega she looks young, fresh and skin talaga niya maganda.”
“Infer kay tita shawie talagang pinush ung body goals which is hard at that age. “
May ibang reaction naman ang ilang netizens…

“Hinga-hinga din TaShawie para di mangasul.”

“mukhang nanigas ang leeg kakapigil ang hininga sa third photo.
“Higpit na higpit. Ako hindi makahinga. Anyway ilang oras lang naman yan kasi masama din sa health ang naiipit tiyan ng sobra.”
Anyway, hindi naman nagbigay ng komento si Sharon tungkol sa tsikang nagkabalikan na ang anak na si KC Concepcion at dating boyfriend na Aly Borromeo.
Si KC daw ang dapat tanungin at hindi siya.
***

TIYAK na ikatutuwa ng pamilyang Pilipino na panoorin ang apat na pelikula ngayong Linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Thai animated na “Out of the Nest,” tungkol sa isang kambing at pitong nakakaaliw na sisiw, at ang South Korean concert movie na “IU Concert: The Winning,” ay parehong rated G (General Audience).  Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng lahat ang dalawang pelikula.

Ang “Firefighters,” na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang “Woodwalkers,” na tungkol sa mga bata na nagpapalit-anyo,  ay parehong rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Sa PG, pwedeng manood ang edad 12 at pababa na kasama ang magulang o nakakatanda.

Para sa mga naghahanap ng aksyon at kababalaghan, swak ang pelikulang “Peter Pan’s Neverland Nightmare” na rated R-16 at R-18.

Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood.  Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.

R-16 at R-18 din ang “The Baby in the Basket,” dahil sa tema, kababalaghan at lenggwahe.

Pinayuhan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.

“Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot ding aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” sabi ni Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)