• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinuna ang character ni Sharon na nabaril na pero buhay pa: Action-serye ni COCO, pitong taon na at malabo pang matapos

HABANG papalapit ang 7th anniversary sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano, lagi pa rin kami nakababasa ng mga comments sa social media na sana raw ay tapusin na ng ABS-CBN ang action-serye ni Coco Martin.

 

Sabi ng mga netizens, nakakasawa na raw ang takbo ng kwento. Feeling nila ay niloloko na lang daw ang mga tao kasi hindi na raw makakatotohan ang takbo nito.
From FPJ’s Ang Probinsyano ay parang tumalon daw ang kwento nito sa Ang Panday dahil sa paglabas ni Coco sa isang episode na may hawak na espada.

 

Pinuna rin nila ang eksenang nabaril si Aurora (Sharon Cuneta) at akala din namin ay namatay na siya. Pero buhay pa pala at sabi ng netizens, nakuha pang makipagtalik kahit may sugat sa tama ng baril.

 

Pero sabi ng isang cast member na aming nakausap tuloy pa rin ang taping nila ng show at malabo pang matapos ang FPJAP, not in the immediate future.

 

Sabi naman ng defenders ng show, kung naiinis kayo sa takbo ng kwento ng FPJAP, pwede naman silang hindi manood.

 

***

 

NAKASALI si Direk Ivan Payawal kay Ash Malanum sa pagsusulat ng script ng PaThirsty.
Mas kilala kasi ni Ash ang mga characters ng Gameboys kung saan nagmula ang karakters nina Mayora (Adrianna So) at Achilles (Kych Minemoto).

 

Kaya may input din si Direk Ivan sa mga karakter, pati sa casting.

 

For the role of Ali, ang anak ng resort owner, choice nilang lahat si Alex Diaz, who proved he is not just a pretty face but he can act.

 

Natuwa rin si Direk Ivan na nag-blend ang casting nila ng anim na characters.

 

“Minsan akala mo okay sila magkakasama pero pagdating sa set, wala palang chemistry. I must say na perfect ang casting naming sa movie,” sabi ni direk Ivan.

 

Very generous daw ang cast at nagtutulungan to make every scene work.

 

Mahirap daw ang shoot nila ng PaThirsty pero parang connected silang lahat, the stars and the production kaya nag-enjoy sila working sa pelikula.

 

The movie also stars Chad Kinis, Bob Jbeile and Kate Alejandrino.

(RICKY CALDERON)