UMABOT na sa mahigit na P300 milyong piso ang pinsala sa ‘crops at livestock sectors’ dahil sa matinding epekto ng masamang panahon dala ng nagsanib na epekto ng Severe Tropical Storm Crising at Southwest Monsoon o “Habagat”.
Sa report ng DA, sinabi ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na ang pinsala at pagkalugi sa bigas, mais, cassava, high value crops, palaisdaan, livestock at manukan, at agricultural infrastructure ay pumalo sa P323.15 milyong piso na may dami ng production loss na 10,595 metric tons (MT).
Ang nagsamang ‘weather disturbances’ ay nakaapekto sa 14,772 magsasaka at mangingisda at 15,868 ektarya ng agricultural areas sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Socckskargen.
“The values reported are subject to validation as further damage and losses are expected in affected regions as assessment and validation are ongoing,” ayon sa DA.
Winika ng Agriculture Department na ang mga sumusunod na tulong ay available:
P545.56 milyong halaga ng agricultural inputs (bigas, mais, at vegetable seeds) mula DA Regional Field Offices I, II, III, IV-A, IV-B, VI, at XII
500 bag ng rice stocks mula sa National Food Authority (NFA) ay inisyu sa Local Government Unit of Palawan para sa distribusyon.
Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga apektadong lugar.
P400 milyong piso para sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may hanggang P25,000 loanable amount, payable sa tatlong taon na may zero interest
Ang inisyal na halaga ay P268 milyong piso para sa indemnification ng 45,980 insured affected farmers sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)
Sa kabilang dako, inatasan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sina officer-in-charge Undersecretary for Operations Roger Navarro at Undersecretary Chris Morales, na nangangasiwa sa National Rice Program ng bansa, na kaagad na bisitahin ang nasirang lugar dahil kay Crising at Habagat upang mabigyan ng agarang suporta ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.
“We want our farmers and fisherfolk to know that the government is fully committed to supporting them, especially during these challenging times,” ayon kay Tiu Laurel.
“Essential resources, including seeds and financial aid, are readily available to help our stakeholders recover swiftly,” dagdag na wika nito.
Samantala, sinabi ng DA na ang regional field offices ay nagsasagawa ng mga sumusunod:
pagsasagawa ng field validation at kailangang assessment sa mga lugar na apektado ng Southwest Monsoon at Crising;
pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno local government units, at iba pang DRRM-related offices sa epekto ng kalamidad kabilang na ang road obstructions na maaaring makaapekto sa food supply chain, at pagbaha na magiging dahilan ng karagdagang pinsala at pagkalugi; at patuloy na pagmo-monitor ng presyo para sa anumang pagbabago nito( presyo) at galaw ng agricultural commodities. alinsunod dito, ang price ceiling sa agricultural commodities ay may bisa sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity, bilang ipinag-uutos ng Republic Act 7581 o “The Price Act.” (Daris Jose)
