Pinoy karateka James De Los Santos, grand winner uli sa online karate tourney
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Muli na namang nangibabaw sa buong mundo ang Filipino karateka champion na si Orencio James De Los Santos.
Ito’t mayapos itinanghal si De Los Santos bilang grand winner sa E-Karate Games 2020 kung saan tinalo nito si Wasmuel Wado ng Belgium.
Sa panayam kay Delos Santos, sinabi nito na ito na ang kanyang ika-36 gold medal at best Christmas gift aniya na kanyang natanggap.
Napag-alaman na si Delos Santos ay ang No. 1 sa Virtual Kata World Rankings at mayroon ng 15,710 points.