• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy karate athlete James De los Santos muling nagwagi

MULI na namang nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino karate James De los Santos.

 

Nakuha niya ang ika-17th gold medal niya sa Katana Inter Con- tinental Karate League e-Tournament.

 

Sa nasabing torneo ay nagtala ito ng 26.1 points unang pagkakataon.

 

Nahigitan ng 30-anyos ang pambato ng Costa Rica na si Juan Achio na mayroong 25.1 points lamang.

 

Magugunitang nasa unang puwesto sa e-kata si De Los Santos matapos ang mga matagumpay na panalo sa mga sinalihan nitong online tournaments.