• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinili ni PBBM at papalitan niya si PNP chief Gen. Rommel Marbil… Nicolas Torre III ang bagong PNP chief – Malakanyang

PINILI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Nicolas Torre III upang maging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Huwebes.

“The turnover of command will take place on June 2,” ayon kay Bersamin.

Papalitan ni Torre si PNP chief Gen. Rommel Marbil na nakatakdang magretiro sa June 7.

Isang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad class of 1993, si Torre ay nagsilbi bilang director ng Quezon City Police District (QCPD) at Davao Regional Police Office kung saan pinangunahan niya ang matagumpay na pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16-day extensive police operation.

Pinangunahan din ni Torre ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang pag-turnover sa International Criminal Court (ICC) sa Hague, Netherlands sa gitna ng imbestigasyon sa di umano’y crime against humanity sa bansa sa panahon ng kanyang pagpapatupad ng drug war.

Si Torre ay aabot na mandatory retirement age na 56 sa darating na March 11, 2027.

Siya ang pang-31st PNP chief at pang-4 sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Samantala, nauna nang sinabi ng Pangulo na ang una niyang direktiba sa incoming chief ng 228,000-strong national police force ay panatilihin ang nagpapatuloy na pagsisikap na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, tinukoy ang kamakailan lamang na pagbaba ng crime rates bilang ebidensiya ng progreso. (Daris Jose)