• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinauwi ng Pinas mula Timor-Leste matapos magtago… PBBM, naka-monitor sa kaso ng puganteng si  Arnie Teves mula Timor-Leste

SINABI ng Malakanyang na nakabantay at nakaantabay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa development sa pagkuha sa puganteng si dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves mula Timor-Leste.
Matatandaang lumipad pa-Timor-Leste si Teves matapos siyang iturong mastermind sa pagpatay kay noo’y Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Asec. Erel Cabatbat, kasama sa extraction team na bago pa sila lumipad patungong Timor-Leste ay ‘namo-monitor at napapaalam’ na kay Pangulong Marcos ang mga nangyayari.
‘Pag iyon po ‘yung pagkuha namin o pag-turnover formally ng Timor-Leste, Bureau of Immigration sa dating mambabatas ay naipagbigay alam kaagad sa kanya ( Pangulong Marcos). Medyo challenging lang po kasi ang connection po sa airport, hindi gaya natin na malakas ang signal, doon po ay medyo challenging po siya. Tapos noong nakarating na kami rito sa Davao palang ay inabisuhan din kaagad ang ating Pangulo, the moment na nag-land po iyong eroplano,” ang sinabi ni Cabatbat.
Sinabi pa ni Cabatbat na bilang tugon aniya sa utos ni Pangulong Marcos ay maayos, mapayapa at matagumpay na nauwi sa Pilipinas si Teves.
“Alas-diyes po ng gabi noong Huwebes ay nagpulong po ang mga miyembro ng extraction team kasama na po rito sina Asec. Eliseo Cruz ng DOJ, NBI Director Jaime Santiago, at mga kinatawan po ng DOJ, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation at ang magigiting po na piloto at crew ng Philippine Air Force, 10:27 po ng gabi nakumpirma po na puwede pong dumaan ang Philippine Airforce 142 na eroplano sa airspace po ng Indonesia at 11:30 po kami po ay tumungo papuntang Cebu para sa daanan ng isa pang K member ng ating extraction team. Dumating po kami ng 2:01 ng umaga sa Cebu at 3:14 po ng umaga ay lumipad naman po kami papuntang Davao para refueling po kasi po medyo malayo po ang Davao papuntang Timor-Leste,” ang kuwento nito.
Sinabi pa niya na may inisyal ng usapan pagdating sa Timor-Leste kung saan ay ibibigay sa extraction team kaagad Representative Teves, pero may kaunti aniyang pagbabago.
Subalit, sa kabila aniya nito ay naging maayos ang turnover, nagpirmahan lang ng ilang dokumento at nang maayos na ang mga dokumento, ay inilabas na si Teves, na naka-posas at naka-shackle pati mga paa niya.
“So, pagka-turnover po sa atin, may guhit kasi po doon sa terminal, so paglagpas ng guhit kinuha po ng ating mga kinatawan at tinanggal po iyong posas at pinosasan pa rin ng mga taga-NBI,” ang sinabi pa rin ni Cabatbat.
“May request po si dating mambabatas Teves, kung puwede daw po ay huwag na sana siyang posasan, kasi nga po masakit na daw ang kanyang mga kamay.  Pero, hindi po ito pinagbigyan kasi nasa protocol parin po. So, pagpasok po niya sa eroplano, pinaupo siya, kinausap po siya ni NBI Director Jaime Santiago, at pagkalipas ng ilang minuto ay binasahan siya ng kanyang Miranda Rights ng kinatawan naman po ng NBI.”
“So, habang binabasa po iyong Miranda rights, nakikinig naman po si former Rep. Teves, pagkatapos siyang basahan ng Miranda rights niya ay binasa naman po ang mga pending na arrest warrants sa dating mambabatas. Sa pagkakaalala ko po, parang sampu po iyong mga kasong binasa [unclear] sa kanya. So, hindi po kami nakalipad din kaagad kasi nagkaroon ng kaunting problema sa eroplano po natin, pero dahil mahusay po at magaling naman po ang staff po, ang crew ng Philippine Airforce ay naayos po iyon.”
May mga arrest warrants aniya na inilabas at kailangan na ipatupad iyon.
“Nanggaling po dito sa Pilipinas ang arrest warrant at kung familiar po kayo sa court proceedings kung saan po galing ang search warrant, doon din po ibabalik,” ang paliwanag ni Cabatbat. ( Daris Jose)