• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinasilip ang fun wrap party para buong team ng serye: ANNE, biniro si ENCHONG na nakipag-agawan ng mic sa kanya

PINASILIP ni Anne Curtis ang fun wrap party for It’s Okay to Not Be Okay after na mag-last taping day silang lahat.
The celebration took place at Family KTV and Restobar in Manila kunsaan kasama ni Anne ang fellow cast members na sina Joshua Garcia, Enchong Dee, Alora Sasam, Agot Isidro, at ang production team ng show.
“A minute of craziness to wrap up almost a year of filming IOTNBO,” post ni Anne sa kanyang Instagram page.
Biniro pa ni Anne si Enchong na nakipag-agawan ng mic sa kanya: “I officially found my counterpart sa bosesan and agawan ng mic @mr_enchongdee.
May 2024 noong i-announce ng ABS-CBN na si Anne ang magbibida sa Philippine adaptation ng It’s Okay Not To Be Okay with Joshua Garcia and Carlo Aquino.
Inamin ni Anne na huge fan siya ng naturang K-Drama way back in 2020.
“It’s Okay to Not be Okay has been a favorite of mine since I first watched it. I instantly fell in love with the characters and its way of educating and raising awareness on different mental health issues. The storytelling was portrayed so beautifully and is the very reason why I could not say no when it was offered to me. As someone who loved the character Ko Moon-young, I am determined to take her on as Mia Hernandez with utmost care,” caption ni Anne.
***
PINARANGALAN ang Hollywood actress na si Michelle Pfeiffer sa pag-memorialize ng kanyang hands and footprints in cement sa pamosong TCL Chinese Theatre last April 25.
Kasama ng 66-year old three-time Oscar nominee sa event ay ang kanyang two kids and husband David E. Kelley.
Pfeiffer was this year’s honoree at the TCM Classic Film Festival, recognizing her decades of captivating screen performances.
Nagsimula bilang Miss Orange County 1978 winner si Michelle at umabot siya sa Top Six ng Miss California beauty pageant.
1982 nang gawin ng aktres ang first movie niya na Grease 2 at nasundan ito ng mga big Hollywood movies tulad ng Scarface, The Witches of Eastwick, Tequila Sunrise, Married To The Mob, The Russia House, Frankie and Johnny, Batman Returns, One Fine Day, Wolf, Dangerous Minds, Age of Innocence, What Lies Beneath at ang kanyang Oscar nominated performances sa Dangerous Liaisons, The Fabulous Baker Boys at Love Field.
Nakilala si Michelle ng Gen Zs nang gawin niya ang Marvel films na Ant-Man and The Wasp, Ant-Man in Quantumania, Avengers: Endgame.
(RUEL J. MENDOZA)