• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, target na makapagrehistro, makapagbigay ng serbisyo sa mga ‘stateless Pinoy’ sa Sabah

TARGET ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur  na makapagrehistro ng 550,000 “stateless” Filipino sa Sabah, at sa kalaunan ay makapagbigay sa mga ito ng serbisyo na available para sa mga mamamayang Filipino.

 

 

Tinatayang may 770,000 Filipino sa Sabah, 550,000 mulasa bilang ng mga ito ay undocumented, ayon kay Filipino citizens, the Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega.

 

 

“The embassy provides no timeline. It is an ongoing project that will take years. We do not have a permanent office in Sabah,” ayon kay de Vega.

 

 

Sinabi pa ni De Vega na karamihan sa mga undocumented nationals ay kulang sa identification documents.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Philippine Ambassador-designate to Malaysia Maria Angela Ponce na ang embahada ay nagpadala ng misyon para makapagbigay ng civil registry services sa lahat ng mga Filipino sa lugar.

 

 

Tinuran nito na sa ilalim ng Malaysian laws,ang mga indibiduwal na hindi Malaysian nationals o permanent residents ay hindi makakapag- access ng edukasyon doon, dahilan upang ang embahada ay makipagtulungan sa non-government organizations para makapagbigay sa mga ito ng alternatibong learning centers.

 

 

Para sa health care, nakikipagtulungan na rin ang embahada sa Department of Health para makapagbigay ng basic health services sa mga ito. (Daris Jose)