• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:02 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec

Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.

 

Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas at China ay nagtutulungan pagda­ting sa mutual assistance kaya nagkaroon ng koo­perasyon ang dalawang bansa kaya tumutok sila sa bilateral relations.

 

Matatandaan na noong SONA ni Pangulong Duterte, sinabi niya na nakausap niya si Xi at pinasiguro niya dito na bibigyang prayoridad ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na infection rates sa Southeast Asia na umabot na sa 83,673 kaso at 1,947 deaths.

 

Habang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila. (Ara Romero)