Pinas, nananawagan para sa agaran, malayang ‘aid access’ sa Gaza
- Published on May 24, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Pilipinas para sa mabilis at walang balakid na paghahatid ng tulong sa war-torn Gaza kasunod ng ilang linggong Israel-imposed blockade, dahilan ng seryosong alalahanin mula sa international community.
“Humanitarian aid must reach the civilian population of Gaza – particularly the most vulnerable, including the sick, women, children, the elderly, and persons with disabilities – without discrimination and in accordance with international humanitarian law,” ang nakasaad sa kalatas ng Department of Foreign Affairs.
Ayon sa DFA, ang tulong sa Gaza ay dapat na manatili sa ilalim ng liderato ng United Nations, na nauna nang inilarawan bilang kapos sa agarang access sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan bilang pagkakaroon “disastrous toll” sa Palestinians.
“Humanitarian response must be based on impartial needs assessments and guided by the principles of neutrality, humanity, and accountability,” ang sinabi ni DFA, nanawagan ito para sa “full, safe, rapid, and unhindered” probisyon ng tulong sa Palestinian civilian population sa buong Gaza Strip.
Simula Marso 2, ang pagkain, medisina at gasolina ay ipinagbabawal sa Gaza.
Sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na “basic amount of food” ay pinahihintulutan sa Gaza, subalit sinasabi ang kanyang country plans para kontrolin ang teritoryo.
Binatikos naman ng Britain, France at Canada ang Israel para sa “denial of essential humanitarian assistance to the civilian population,” tinawag itong “unacceptable and risks breaching International Humanitarian Law.”
Ang giyera sa Gaza ay bunsod ng sorpresang pag-atake ng Hamas na nagresulta sa pagkamatay ng 1,200 Israelis at ilang Filipino, noong Oktubre 7.
“Israel’s relentless offensives in retaliation to the Hamas attacks resulted to at least 53,000 deaths, mostly civilians, and displaced a huge number of the territory’s 2.3 million residents,” ayon sa ulat.
Sinabi ng DFA na ang lahat ng partido ay dapat na suportahan ang UN sa pagpupulong sa humanitarian mandate nito sa Gaza.
“Safeguarding the operational integrity, independence, and effectiveness of UN entities is essential to preserving the legitimacy and credibility of the UN system and its ability to respond meaningfully to humanitarian needs around the world,” ang sinabi ng departamento.
Tinuran pa ng DFA na patuloy na sinusuportahan ng PIlipinas ang two-state solution, ‘consistent’ naman sa UN General Assembly Resolution 181 at iba pang kaugnay na UN resolutions.
Ang two-state system ay “the only viable path toward a just, lasting, and comprehensive peace in the region,” ang sinabi ng DFA. ( Daris Jose)