• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nagprotesta laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea

NAGHAIN  ng protesta ang Pilipinas laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea.

 

 

Sa isang  tweet, sinabi ng DFA na nagpapatunog ng sirena at busina ang mga barko ng China sa gitna ng pagpapatrolya ng mga awtoridad ng Pilipinas na nagsasagawa ng “legitimate, customary, and routine patrols sa “territory and maritime zones” ng bansa.

 

 

“These provocative acts threaten the peace, good order, and security of the South China Sea and run contrary to China’s obligations under international law,” ayon sa  DFA.

 

 

Noong Setyembre, ipinag-utos ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghahain ng protesta laban sa China dahil sa patuloy na presensya nito sa West Philippine Sea.  (Daris Jose)