Pinas, handang baguhin ang ilang patakaran na may kinalaman sa pagnenegosyo
- Published on September 30, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang ilang regulasyong ipinatutupad hinggil sa pagnenegosyo para sa kapakanan ng mga mamumuhunan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa gitna ng panghihikayat sa mga investors na mamuhunan sa Pilipinas.
Tiniyak ng Punong Ehekutibo na handang padaliin ng Pilipinas ang pagpo- proseso sa mga rekisitos na itinatakda sa pagnenegosyo sa bansa katulad ng documentation at Ilang procedures.
Kabilang na rin aniya ang istraktura at maging sa aspeto ng lehislatura ay nakahanda ang gobyerno na magsagawa ng pagbabago para sa kapakanan ng mga negosyanteng gustong mag- invest sa bansa.
Batid naman aniya niya ang pangangailangan ng mga potential investors at gagawin aniya ng pamahalaanang lahat para sa posibleng partnership ng pamahalaan at ng mga nasa pribadong sektor sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).
“The simple message that underlay all that we did was that the Philippines is here, we are a good place to invest, we are probably the most vibrant economy in Southeast Asia,” ayon sa Pangulo.
“And we understand the requirements and the needs of our potential investors, and we will do everything so that that partnership becomes to the advantage of both the private sector, the public sector, to the people,” wika pa nito. (Daris Jose)