Pinas, atrasado sa paggamit ng modernong teknolohiya- DTI
- Published on April 19, 2025
- by @peoplesbalita
INAMIN ng DTI na atrasado ang bansa sa paggamit ng modernong teknolohiya. Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, kailangang itulak ang paggamit ng AI sa negosyo lalo na sa MSMEs. Hindi layon nitong palitan ang tao kundi itaas ang productivity. Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang AI ay makakatulong sa decision-making, at sa pagsasaayos ng overcrowded schools. Inilahad rin ang hamon sa pagbibigay ng computer access sa guro. Layunin ng DepEd at DTI na ituro ang AI sa murang edad. (Daris Jose)