• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinalakas lang ang loob ng kanyang co-housemates: WILL, muntik nang lumabas ng Bahay ni Kuya dahil sobrang na-homesick

FOR the first time ay naglabas ng mga nararamdaman sa kanyang pinagdaanan na heartbreak ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara.
Sa gitna raw ng mga panghuhusga na natanggap niya sa social media dahil sa huli niyang nakarelasyon na si Kobe Paras, sinubukan ng 22-year old ‘Beauty Empire’ kontrabida na maka-move on at pinasasalamatan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya na patuloy na sinusuportahan siya.
“My heart is good. It’s better now, definitely, with the help of everyone around me,” panimulang pahayag ng aktres tungkol sa mga pinagdaanan niyang pagsubok.
May dahilan si Kyline kung bakit nanahimik lang siya tungkol sa nangyari sa kanila ni Kobe. Umabot ng five months ang relasyon nila ni Kobe. Nagkakilala sila noong May 2024 at inamin ni Kobe na officially dating sila noong November 2024. January 2025 ay na-meet ni Kyline ang pamilya ni Kobe sa Los Angeles, California after na mag-Pasko si Kobe kasama ang pamilya ni Kyline.
April 2025 ay biglang nag-unfollow sila sa isa’t isa on social media.
May 2025 nang magsalita ang ina ni Kobe na si Jackie Forster sa pamamagitan ng pag-upload ng video on Instagram na ang dahilan daw ng breakup nila ay dahil Kyline, “physically assaulted” daw si Kobe dahil sa cheating rumors.
Pero hindi naman daw ito sinagot ni Kyline dahil ayaw daw niyang makadagdag pa sa pagpista ng publiko sa personal niyang buhay.
“Nasaktan mo man ako, I will always show grace and I will never fight back publicly and I’ll never speak up about whatever’s happening in my private life publicly because I do not owe the world my heartbreak so sa akin ‘yon,” sey ni Kyline.
Inamin din ni Kyline na tao lang siya na nasasaktan, lalo na kapag may panghuhusga agad ng mga tao kahit hindi pa nila naririnig ang paliwanag niya.
“It hurts so much na parang napakadali lang ng mga tao na i-judge ako. I really pray and sit with my feelings, and deal with it on my own.”
***
NI-REVEAL ni Will Ashley na naisip niyang lumabas ng Bahay Ni Kuya dahil sobra siyang na-homesick.
Ayon sa Sparkle actor, muntik na siyang mag-voluntary exit noon sa unang week pa lang sa loob ng PBB house dahil nami-miss niya ang kanyang pamilya. Pero nagdesisyon siyang manatili bilang housemate dahil pinalakas ang loob niya ng kanyang co-housemates na naho-homesick din.
Aminado si Will na naging mahiyain siya sa loob ng PBB house, pero habang tumatagal ay lumabas din ang pagiging makulit at palabiro niya.
Kung maaga nga raw siyang lumabas ng PBB house, hindi niya madidiskubre ang mga kaya pa niyang gawin at mas makilala pa siya ng maraming nanonood. May 1.4 million followers na siya on Instagram.
Pagkatapos na maging second big winner kasama ang ka-duo na si Ralph de Leon, balik-trabaho na si Will at nakapag-shooting na siya para sa pelikulang ‘Bar Boys 2. ‘
***
DESPITE the mixed reviews, pinuri ni Andrew Lloyd Webber ang new version ng kanyang award-winning musical na EVITA.
Sa isang uploaded video, binati ni Webber ang buong cast, lalo na kay Rachel Zegler na gumanap na Evita Peron for delivering the “best performed” rendition he can remember.
“I mean just everything about it was absolutely sensational tonight. Musically, no other composer could ask for more. I just don’t know what to say, really. I’m genuinely lost for words, but I mean, it’s just wonderful.”
Bukod kay Zegler, kasama rin sa cast sina James Olivas, Diego Andres Rodriguez, Aaron Lee Lambert and Bella Brown.
Sa London’s West End unang na-stage ang EVITA in 1978 with Elaine Page as Evita Peron. Si Patti Lupone ang naging Evita sa Broadway version in 1979. Ang iba pang gumanap na Evita ay sina Elena Rogers (2006), Madalena Alberto (2014) and Emma Hatton (2017).
(RUEL J. MENDOZA)