• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaka senior uunahin sa social pension – DSWD

TARGET ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga pinakamatanda sa hanay ng mga senior citizen sa bansa ang unang mabibiyayaan ng social pension mula sa pamahalaan sa ilalim ng bagong polisiya sa pagpapatupad ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SocPen).

Ayon kay Undersecretary Adonis Sulit ng Policy and Planning Group (PPG) ng DSWD, kasama ng pinakamatandang indigent elderly ang nasa 171,000 wait-listed seniors na mabibigyan ng benepisyo ng SocPen ngayong taon.

“Ang isa sa pinakamagandang amendment sa policy ng DSWD with regards to the social pension implementation is that the new social pension beneficiaries would come from the oldest of the population. So hindi na po ngayon magkakaroon ng instance na matanda na pero hindi pa napapasama sa social pension,” sabi ni Sulit.
Aniya ang dagdag na pondo ngayong taon ay magbibigay daan na mabenepisyuhan na ang nasa 171,00 bagong indigent senior citizens mula sa oldest population na nasa wait list ng mga local government units (LGUs) base sa Community-Based Monitoring System (CBMS) data ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang pamahalaan ay naglaan sa DSWD ng Php51.8 billion para sa SocPen ngayong 2026 Ge­neral Appropriations Act (GAA).
(Vina de Guzman)