• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinagluto na, nagbigay pa ng ayuda:  ALEX, pamilya na ang turing sa kanilang beloved construction workers

SA isang episode ng vlog ni Alex Gonzaga titled “New House Update” na mapapanood sa kanyang Youtube channel na as of presstime ay mahigit 14 million na ang subscribers and still counting.
Ipinagluto ng meryenda ni Alex ang mga construction worker na gumagawa ng mansyon nila ng mister na si Mikee Morada sa may bandang Alabang. Tawag ni Alex sa kanila my beloved construction worker na itinuturing ng pamilya ng sikat na actress-comedianne and top vlogger ng bansa.
At maliban sa pinagsaluhang masarap na merienda ay join pa ni Alex sa kanyang Tiktok ang mga tao nilang ito na binigyan pa niya ng tig 1K each.
Sa nasabing episode pa rin na humamig  na ng 2.7 million views in just 2 weeks ay kitang-kita ang kabaitan ni Alex na may pagmamahal at care talaga ito sa maliliit na manggagawa.
Kaya sa mga bashers ay kuryente kayo sa mga ibinabalita niyo tungkol kay Alex. Kayo yung mga masasamang nilalang! Samantala, sa kanyang mga beloved parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy pala ipinagkatiwala ni Alex ang pagpapagawa ng mala-palasyo nilang bahay ni Mikee na tumatakbong Vice Mayor ng Lipa sa team nila Vilma Santos.
Infairness palakas nang palakas sa survey ang pangalan ni Mikee. Isa pa ikinakampanya ni Alex ay ang Uswag Ilonggo Party-list ni Cong. Jojo Ang.
At ang ganda ng campaign Music Video ni Alex para rito na with back-up dancers and Ati-Atihan ay sing and dance siya. Laman nito, ang iba’t-ibang proyekto ni Cong. Jojo, na kanya ng mga naisagawa since maluklok siyang Representative ng said partylist since 2022 and until now na patuloy na mga serbisyo niya sa mga kapwa Ilonggo at buong Western Visayas.
(PETER S. LEDESMA)