• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinag-iisipan nila na parang ‘The First Wives Club’… SNOOKY, ipinagdarasal na lang na matuloy ang reunion movie kasama sina DINA at MARICEL

Pinag-iisipan nila na parang ‘The First Wives Club’…
SNOOKY, ipinagdarasal na lang na matuloy ang reunion movie kasama sina DINA at MARICEL

TINANONG namin si Snooky Serna kung wala bang balak na gumawa ng isang reunion movie silang mga original ‘Underage’ girls na kinabibilangan ni Snooky, Dina Bonnevie at Maricel Soriano?Tumabo sa takilya ang lahat ng mga pelikulang pinagsamahan nilang tatlo na nagsimula sa ‘Underage: noong 1980 mula sa Regal Films.
“Iyan ang gustung-gusto naming tatlo for the longest time.
“Kahit sa vlog namin gusto namin na, prayerfully sana if our schedules will permit kasi ang busy niyan yung dalawang ate ko, ano.”
Hindi na maalala ni Snooky kung ano ang huling pinagsamahan nilang tatlo na pelikula.
“Sana nga, if ever, sana may makaisip nun, na kaming tatlo. Kung may audience pa rin, kung may mag-e-enjoy pa ring panoorin kaming tatlo together I will be really more than willing to do it again.”
May naiisip na nga si Snooky na proyekto para sa kanilang tatlo.
“Actually pinag-iisipan naming tatlo yung parang ‘The First Wives Club.’
“Sabi namin si Dina si Goldie Hawn, si Diane Keaton ako, si Bette Midler si Marya.”
Ipinalabas ang naturang hit movie noong 1996.
Kinumusta naman namin ang relasyon ni Snooky kay Ramon Villarama na dating Vice-governor ng Bulacan.
“We’re still BFFs, oo naman. I mean we’re still together. More than anything naman he’s my bestfriend.
“So ano na kami, thankfully ten years na kami.”
Kasal na ba sila?
“No, not yet.”
Pareho silang puwedeng ikasal.
“Puwede naman kaya lang we’re, we’re… we don’t want to jump di ba na, sabihin nating, ‘Okay sige ten years’. But then…
“And we don’t want to be a bad influence naman siyempre maganda pa rin talaga ang may blessing.
“Kaya lang hindi rin naman maganda pa rin yung you get married just for the sake of getting married.”
Sampung taon naman na ang relasyon nila, banggit namin kay Snooky.
“Sabagay ten years na nga, but it’s working this way naman.
“We’re friends more than anything else.”
Napapanood si Snooky sa ‘House of Lies’ ng GMA.
Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

(ROMMEL L. GONZALES)