Pilipinas dapat bumalik ng ICC
- Published on March 19, 2025
- by @peoplesbalita

“Kailangang bumalik ang Pilipinas sa ICC hindi lamang para sa mga biktima ng drug war, kundi para na rin sa iba pang biktima ng EJK at para sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang ICC ay hindi kalaban ng ating soberenya kundi katuwang sa pagpapatupad ng tunay na hustisya,” ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.
Sinabi naman ni dating ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na ang pag alis ng bansa sa ICC noong 2019 ay isang self-serving move ng Duterte administration para makaiwas umano sa pananagutan sa human rights violations.
“Ang paglabas ng Pilipinas sa ICC ay hindi naging desisyon ng sambayanan kundi ng isang administrasyong takot sa pananagutan. Panahon na para itama ang maling hakbang na ito,” ani Tinio.
Ipinakita anila sa naging proseso ng ICC sa usapin laban kay Duterte ang commitment ng korte para sa due process at fair trial, taliwas sa pahayag ng mga Duterte supporters.
“The ICC has shown that it respects due process, giving the former president legal representation and the opportunity to defend himself—the very rights denied to thousands of victims of extrajudicial killings under his administration,” pahayag ni Castro.
hinikayat naman nina Castro ang u
Marcos administration na pasimulan ang muling pagbabalik ng bansa bilang miyembro ng ICC. (Vina de Guzman)