PhiSys malapit ng maabot ang 50-M national ID na target
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA ang PhilSys Government Service na maabot nila ang 50-milyon target na national ID na dapat mai-release noong nakaraang taon.
Umabot na kasi sa 23-milyon na physical ID ang kanilang nai-release habang mayroong 19 milyon na electronic Pil ID ang nairelease.
Target nila ngayong taon na mairelease ang 92 milyon na national ID.
Para maisakatuparan ito ay nakipag-ugnayan na sila sa mga iba’t ibang ahensiya gaya sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Postal Corporation. (Daris Jose)