• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine Women’s football team may dalawang laro pa sa Australia bago ang pagsabak sa SEA Games

SINIMULAN  na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games.

 

 

Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon.

 

 

Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team.

 

 

Bukod kasi sa SEA Games ay sasabak din ang national womens football team ng bansa sa isang friendly games laban sa Fiji sa Abril 7 at sa Sydney sa Abril 11.

 

 

Magtatagal ang nasabing national womens’ football team bago ang buwan ng Mayo at sila naman ay magtutungo sa Hanoi, Vietnam para sa SEA Games na magsisimula mula Mayo 12 hanggang Mayo 23.