• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine Heart Center, nagdiwang ng 50th Anniversary, iba’t ibang aktibidad inilunsad

IPINAGDIWANG ng Philippine Heart Center (PHC) ang kanilang ika-50th anibersaryo nitong Pebrero 14, 2025. Sa isang press conference na ginanap nitong Pebrero 14, tinalakay ng mga opisyal ng PHC ang kanilang mga nagawa at mga plano para sa hinaharap.

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang, inilunsad ng PHC ang iba’t ibang aktibidad, kabilang ang isang charity fun run na tinatawag na “Run with a Heart,” na naglalayong tumulong sa mga pasyenteng may valvular disease.

 

Bukod dito, nakipagtulungan ang PHC sa Makina Watches upang lumikha ng isang limitadong edisyon ng relo bilang paggunita sa kanilang ginintuang anibersaryo.

 

Sinabi ni Dr. Avenilo Aventura Jr., Executive Director ng PHC, na taon taon may 14,000 ang  mga pasyenteng may sakit sa puso ang kanilang naaadmit at mahigit na 5,000 ang naooperahan sa kanilang ospital.

 

Samantala, katuwang din ng PHC ang Philhealth sa ilalim naman ng programang Philhealth Z-Package Benefit. Ayon pa sa mga Cardiologist mula sa PHC, competitive  ang nabanggit na ospital sa ibang bansa kung ang pag uusapan ay heart surgery. (PAUL JOHN REYES)