• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:14 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH envoy, winelcome ang bagong tulong mula Estados Unidos

MALUGOD na tinanggap ng top envoy ng Pilipinas sa Washington ang probisyon ng karagdagang $250-million aid mula sa Estados Unidos para tulungan ang inisyatiba ang administrasyong Marcos ukol sa public health at tuberculosis prevention.
Sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez na ang ‘fresh funding’ ng Estados Unidos para sa Pilipinas ay pagbibigay-diin sa commitment nito na mas palakasin ang ugnayan sa long-time treaty ally sa lahat ng aspeto kabilang na ang kalusugan.
“This is another clear manifestation of the deep alliance we have with the United States especially after Pres. Marcos’ official visit to the United States last July where he and President (Donald) Trump established a strong personal working relationship,” ayon kay Romualdez.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni US Ambassador MaryKay Carlson na ipinakikita lamang ng bagong tulong na “the US is proud to stand with the Philippines as friends, partners, allies to build a safe, strong, prosperous future for our peoples.”
Ang hakbang ay matapos na inanunsyo ni US Secretary of State Marco Rubio noong Hulyo ang $63-million funding na naglalayon na pagtibayin at itaguyod ang ‘energy, maritime, at economic growth programs’ ng Pilipinas.
Ito ang kauna-unahang anunsyo ng US government ukol sa bagong foreign assistance para sa kahit na kaninumang bansa sa mundo simula ng magsimula ang second Trump administration.
Tinatayang may $15 million mula sa nasabing halaga ang magsisimulang gamitin para sa private sector development sa Luzon Economic Corridor, isang US-envisioned growth region sa Asya, na naglalayong itaas ang kalakalan at magtatag ng isang economic hub sa hilagang bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ng pangunahing imprastraktura at iba pang mahahalagang proyekto.
Sinabi pa ni Rubio na ang karagdagang $250 million na tulong ng Washington sa Pilipinas ay naglalayon at hangad na tugunan ang tuberculosis, maternal health at banta ng umuusbong na mga sakit. (Daris Jose)