• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:25 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH, Croatia nagkasundo sa ‘no placement fee’, trabaho para sa Filipino hospitality workers

KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Croatia sa ilang bagay na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), inaayos na ng dalawang bansa ang potensiyal na deployment ng mga healthcare workers at nagkasundo rin na gawing simple ang work permits at residence cards para palakasin ang ‘labor mobility’, patatagin ang kooperasyon sa Pre-Departure and Post-Arrival Orientation Seminars (PDOS and PAOS), at paghusayin ang koordinasyon upang masiguro na ang mga manggagawa na papasok sa Croatia sa pamamagitan ng third country ay maayos na dokumentado at protektado.

Binuksan din ng Croatia ang 435 job opportunity sa hospitality sector nito sa ilalim ng government-to-government pilot hiring program.

Sa kabilang dako, pumirma naman si Migrant Workers Undersecretary Jainal Rasul Jr. sa ngalan ng DMW, habang si State Secretary Ivan Vidis ang kumatawan sa Croatia.

Ang paglagda ay isinagawa sa DMW main office sa Mandaluyong City, nataon naman sa Philippines–Croatia Friendship Week celebration.

“To our partners from the Croatian government and employment sector, thank you for your trust in the Filipino workforce and for upholding fair and transparent hiring practices under our bilateral agreement,” ang sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

“There are currently about 12,000 Filipinos working in industries including hospitality, construction, and services in Croatia, Slovenia, and Slovakia,” ayon sa DMW.
(Daris Jose)