• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Performer ang kaibigan at ‘di naman macho dancer… MIKE, naiintindihan ang pagsasayaw ni MARK sa isang gay bar

NAGING usapan nitong nakaraang taon ang pagsasayaw ni Mark Herras sa isang gay bar, ang Apollo male entertainment bar sa Baclaran, noong January 2025.
At dahil pareho silang Ultimate Male Survivor ng Starstruck, tinanong namin si Mike Tan tungkol dito.
“Matagal na niyang ginagawa yun,” umpisang bulalas ni Mike.
“I mean bilang performer si Mark Herras nagtatrabaho siya para sa pamilya niya.
“Nagsasayaw talaga yun, as a hip-hop dancer. So alam ko sa mga gay bar meron gine-guest talaga na mga hip-hop dancers. Nagkataon na siya yun.
“E andun lang naman siya para magtrabaho, hindi naman siya andun para maging macho dancer, e.
“Entertainer si Mark Herras. First and foremost si Mark Herras bukod sa pagiging artista ay dancer.
“At iyon yung way niya para mag-provide sa pamilya niya.
“May ginawa ba siyang imoral? Wala naman.”
Tinanong namin si Mike kung siya ba ay na-offer-an na na mag-perform sa isang gay bar?
“Hindi pa.”
Kung sakaling may mag-alok sa kanya, halimbawa ay kakanta, tatanggapin niya
“Kakanta sa gay bar? Hindi ko alam kung paano sila ie-entertain, to be honest with you,” at tumawa si Mike.
“Hindi ko rin alam kung magagandahan sila sa boses ko.
“Siguro habang kumakanta ako ng sabihin nating parang mga tipong Michael Buble baka gigilingan ko na lang para ma-entertain,” at muling tumawa si Mike.
Matalik na magkaibigan sina Mike at Mark at madalas pa rin silang nagkakasama.
“Magkasama kami last time sa… sa malayo e, para sa basketball. Oo, nagkakasama kami.”
Madalas may ginaganap na all-star basketball games sa mga probinsiya kung saan mga celebrities na tulad nina Mike at Mark ang naiimbitahan para maglaro.
Biro pa ni Mike, “Pagkatapos kong maglaro hindi ako makalakad masakit ang dalawang tuhod ko, e!”
Mapapanood si Mike sa afternoon drama series ng GMA na ‘House of Lies.’
Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.
Bilang si Paolo, ito raw ang pinaka-mentally challenging role na ginampanan niya.
“Sobrang daming layers nitong character na ‘to, parang, may time na gusto kong mag-relax dun sa pag-arte, pero bigla akong sasabihan ng acting coach namin o ni direk na, ‘O siyempre kapag ginagawa mo ito dapat iisipin mo pa rin yung lie.’
“So nagugulo talaga yung utak ko everytime na umaarte ako kasi kailangan ko pa ring isipin yung kasalanan, yung kasinungalingan na nagawa mo kahit pa masaya ka dito,” kuwento niya.
Isa sa pinanood raw ni Mike para gawing peg ng character niya ay ang Ironman ni Robert Downey, Jr.
“Yung pagiging playboy, pagiging mayaman, yung pagiging relaxed dun sa mga unang script namin, doon ko siya kinuha.”
Bago ang House Of Lies ay napanood si Mike sa ‘Widows’ War’ bilang semi-regular cast member.
In between raw kapag wala siyang show ay abala siyang maging tatay.
Dalawa ang anak ni Mike, si Victoria na seven years old at si Empress Priscilla, six years old.

(ROMMEL L. GONZALES)