• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pekeng pulis, arestado sa Navotas

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng pulis dahil sa pagsusuot ng damit ng pulis sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela ang naarestong suspek na si alyas “Boy”, 46, welder at residente Brgy. Tanza-1, Navotas City,

Ayon kay Col. Pinuela, habang nagsasagawa ng covert patrol ang mga tauhan ng Patrol Base 2 sa Marikit St., Brgy. Tanza 1 dakong alas-9:50 ng umaga, napansin nila ang isang lalaki  na nakasuot ng olive green t-shirt na may markang “Pulis” at makikita rin ang mga tattoo nito sa kaliwang braso.

Dahil sa hindi kumpleto at hindi tama na pagsuot ng uniporme, naghinala ang mga pulis kaya nilapitan nila ang lalaki at hinanapan ng kanyang pagkakilanlan.

Nang walang maipakita na katunayan na siya ay lehitimong miyembro ng Philippine National Police (PNP), inaresto siya ng mga totoong pulis at nang kapkapan ay nakumpiska sa suspek ang isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Mga kasong paglabag sa Article 179 of the Revised Penal Code (Illegal Use of Uniforms and Insignia) at R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)