Pekeng Pinoy walang puwang sa Pilipinas-BI
- Published on September 10, 2025
- by @peoplesbalita
MULING nagpaalala si Bureau of Immigration (BI Commissioner Joel Anthony Viado na walang puwang ang pekeng Pinoy sa Pilipinaskasunod ng pagkakaaresto ng tatlong Chinese national na illegal na naninirahan sa bansa.
Naaresto sa isang commercial building sa Bangony, Davao City sina Xu Yonglian, 38; Lin Jinxing, 42; at Cai Xiji, 44 na ilegal na nagtatrabaho sa bansa.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang puwersa ng BI intelligence division sa Mindanao at BI regional intelligence operating unit 11, na ma koordinasyon sa Philippine Army, Air Force of the Philippines, Philippine National Police (PNP) Sta. Ana Police Station, PNP Davao City Police Office, at puwersa ng intelligence.
Si Xu ay nagpapakilalang Filipino at gumagamit din ng Pinoy na apeyido sa kanyang negosyo habang si Lin ay nagtatrabaho bagama’t tourist visa lang ang kanyang hawak habang si Cail ay may working visa sa isang kumpanya subalit nagtatrabaho ito sa Davao na isang paglabag sa Phillippine law.
“One of them was using a Filipino name in business dealings, misrepresenting himself as a Filipino,”ayon kay Viado. “We will not allow illegal aliens to use the said scheme to remain in the country,” dagdag pa nito.
Samantala, kinumpirma rin ni Viado ang deportation case ng Chinese national na si Chen Zhong Zhen na pinirmahan ni Presiding Judge Esperanza M. Cortes ng Regional Trial Court Branch 221 ng Taguig City na nagsasaad sa nasabing kautusan na pinapayagan ang petition for habeas corpus at kautusan ng kanyang paglaya mula sa kustodiya ng BI, dahil sa kakulangan ng jurisdication.
“We respect the decision of the court, but we maintain that there is strong evidence against Chen, supported by BI biometric records,” said Viado. “Fingerprints to not lie,” pahayag ni Viado. (Gene Adsuara)