• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, papayagan ang emergency use ng coronavirus vaccines-Sec. Roque

PAPAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use ng coronavirus vaccines at inaprubahan na ang advance payment sa kanilang private developers.

 

Tinatayang 8 buwan na ngayon simula ng ipatupad ang iba’t ibang degree ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapalabas si Pangulong Duterte ng  executive order para sa paggamit ng emergency vaccine.

 

Ibig sabihin aniya nito na ang coronavirus vaccines na inaprubahan ng ibang bansa ay magagamit ‘locally’ matapos ang  21 araw, pababa mula sa kasalukuyang required na 6-month verification.

 

Pinayagan din ng Punong Ehekutibo ang advance payment sa private vaccine developers para matiyak na makakakuha ang Pilipinas ng suplay ng droga.

 

Ang mga lokal na kumpanya ani Sec. Roque ay nag- commit na bibili bg dose- dosenang  bakuna.

 

Magbibigay ang mga ito ng  50 hanggang 80 percent ng kanilang mabibiling bakuna sa pamahalaan sa pamamahagi sa mga mahihirap at sa kanilang company employees. (Daris Jose)