PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response
- Published on November 30, 2021
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response.
Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes.
Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes.
Ang appointment ni Dizon ay matapos na iulat ni political strategist Lito Banayo na tumutulong ang nasabing Cabinet official sa political campaign ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.
Gayunman, itinanggi ni Dizon na bahagi siya sa kahit na anumang political campaign, nakatuon ang kanyang pansin sa COVID-19 response ng gobyerno kabilang na ang vaccination program ng bansa.
Binanggit ni Banayo na naiintindihan nila ang mahalagang gampanin ni Dizon sa gobyerno para tugunan ang pandemiya.
“We support his efforts even as we will welcome him in our team eventually,” ayon kay Banayo.
Si Dizon ay nagsilbi noon bilang presidente ng Bases Conversion and Development Authority. (Daris Jose)