PDu30, ipinagpaliban ang Bangsamoro region polls sa 2025
- Published on October 30, 2021
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025.
Isang larawan ang makikita sa Bangsamoro Government’s official Facebook page kung saan nilalagdaan ng Pangulo ang nasabing batas.
“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” ang nakasaad sa caption ng nasabing FB page.
Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) “will oversee the region until the May 2025 midterm polls.”
Ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law noong February 2019 via isang plebesito ang nagbigay daan para sa paglikha ng creation BARMM at tuluyang lumusaw sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ang BARMM ay kinabibilangan ng Cotabato City, 63 barangays sa munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan at Pikit sa North Cotabato.
“It has expanded land and water jurisdiction, fiscal autonomy, increased share in national government resources, among others,” ayon sa ulat. (Daris Jose)