PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng 15 habang ang bansa ay nahaharap sa COVID-19 pandemic.
Ayon pa kay Nograles na batid ng administrasyon na mayroon na lamang kulang-kulang dalawang taon si Pangulong Duterte sa kanyang termino.
“We have only one remaining budget to be discussed, which is the budget for 2022. Given these realities and limitations, siyempre we had to temper kung ano yung makakayanan lang po natin.” ang pahayag ni Nograles.
“And the realistic number that was discussed was possibly 15. This number is an indicative number lang po. It also has a lot to do with the negotiations,” dagdag na pahayag nito.
Noong Enero 22, sinabi ni Pangulong Duterte sa tropa sa Sulu na nais niyang makumpleto ang decommission ng lahat ng Huey helicopters sa Philippine Air Force’s (PAF) inventory dahil sa madalas na pagkakadawit nito sa fatal crashes, kabilang na ang insidente sa Bukidnon noong Enero 16.
Bago pa ang naging pahayag ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mayroon na itong existing procurement program para i- modernize ang fleet of helicopters ng PAF.
Kamakailan lamang, nag- commissioned ito ng first six ng 16 Polish-made Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters na inorder noong 2019.
Ang natitirang 10 units ay inaasahang ide-deliver sa loob ng first quarter ng 2021. (Daris Jose)