• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:40 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito.

 

 

Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto.

 

 

Kaya ang hiling ng Pangulo sa mga mamamayang Filipino ay makinig sa mga medical professionals na patuloy na humihikayat sa lahat na magpabakuna na pati na ng kuwalipikado ng makatanggap ng booster shots.

 

 

Aniya pa, napansin din niya ang pagtitipon- tipon ng mga tao kaya’t kasama rin sa inapela nito ang pagsunod sa mga minimum health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

 

Kaya ang pakiusap ng Pangulo ay huwag sanang balewalain ng ipinatutupad na mga panuntunan lalo’t may ipinagpauna ng baka magka-surge ng mid-May.

 

 

Sa kabilang dako, sa harap ng halos nagkakaisang projection ng mga eksperto na tumama ang COVID surge sa darating na mid- May, naniniwala naman ang OCTA Research na kaya pa ring maiwasan ito.

 

 

Sinabi ni Dr Ranjit Rye ng OCTA sa Laging Handa Public briefing na bagama’t nakaamba ang banta, puwedeng pa rin itong mapigilan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards.

 

 

Ikalawa, ang pagbakuna lalung-lalo na aniya ang pagpa-booster gayong siyensya na aniya ang nagsabi na kapag nagpa-booster ay nadadagdagan ang proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

Sa paglalarawan nga ni Rye, vaxx to the max na ang dapat ikasa lalo’t mayroong mga bagong sub-variants na nasa ibang bansa na maaari rin namang makapasok sa bansa.

 

 

Ikatlo sabi ni Rye ay ang kahandaan ng mga LGU na bagama’t hindi maiiwasang magkaroon ng pagtaas sa kaso ay kaya namang mapigilan ang pagsipa at hindi mauwi sa surge na nangyari nitong January. (Daris Jose)